|
¨
|
No.
6540
File: 128246497716.jpg–(88431 B, 1440x810)
>>6500
>Ang Himig Natin
Pwede.
Well, Kaoru's story arc is over and she's just his best friend again starting this week.
Sabi ko sa original /a/ na halos walang sumagot, yung tunay na appeal ng kwento niya e yung pagiging down-to-earth at relatable. Para sa mga "normalfags", ika nga. Yung halik sa pusod ay hindi naman talaga mahalaga.
Ilang taon na silang magkaibigan bago pa magka-ibigan. Comfortable sila sa isa't-isa. Nagsa-shopping, nagbi-bilyar, nagki-kilitian, nag-kakagatan sa tenga. Mas appealing na basehan ng romance ito para sa akin kaysa sa romance between strangers.
Yung drama tungkol sa kanyang biyudang ina na mag-aasawa muli ay di nagustuhan ng marami, na sa tingin ko ay dahil mababaw lamang ang kanilang ninanais mula sa palabas. Kung kailan magiging malalim yung kwento ay doon aayaw.
Para sa akin, hindi naman pilit yung drama niya di-tulad ng sabi ng iba. In-establish naman na single mother yung ina niya, at sila lamang sa pamilya, at nangako sila sa isa't-isa na magtutulungan para buhayin ang kanilang mga sarili.
Hindi rin naman unbelievable. Kung panoorin kasi ng wasto, makikita na mahal na mahal niya ang kanyang yumaong ama. Yung kanyang nais na manatili sila ng kanyang ina na silang dalawa lamang ay dahil ayaw niya (at nila dati) na mapalitan ang kanyang ama sa kanyang buhay.
Di makasarili ang ganitong pagmamahal. At biglaan niyang nalaman na magkakaroon siya ng bagong ama. Mali nga naman yung ginawa niyang paglayas, pero maging maunawain naman tayo. Siya na rin ang nagsabi na di niya lang talaga alam ang gagawin dahil sa pagkabigla.
Sabi nga lang ng iba, mas malalim yung drama sa original game kaysa sa palabas. Mukha ngang ganoon kasa parang nawala na lang e. Tapos parang bitin yung ending. Nag-aaksaya kasi ng panahon sa ibang mga characters na wala namang halaga sa kwento nila, kaya mukhang nakapos sa oras.
Pero mas marami namang positive kaysa negative sa kanyang mga episodes. Heartwarming.
|